Oryentasyon at Seminar ng Housing and Homesite Regulation Office (HHRO)
Published: November 24, 2021 01:00 PM
Nagsagawa ng oryentasyon at webinar nitong Martes ang Housing and Homesite Regulation Office (HHRO) ukol sa mga programang pabahay ng Socialized Housing Finance Corporation.
Tinalakay rito ang mga proseso, kahingian o requirements, at mga dokumentong kakailanganin sa pagbili at pagpapatitulo ng lupa, sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) ng nasabing ahensiya.
Nagsilbing tagapagsalita sa webinar si Insurance and Community Enhncement Department OIC Cesar Macaspac, at dinaluhan naman ito ng mga opisyal ng iba't ibang homeowners association (HOA) mula sa Barangay Abar 1st, R. Rueda at Kita-Kita.
Samantala, nagpakita ng suporta si Mayor Kokoy Salvador, kasama sina Konsehal Amang Munsayac, Ed Agliam, at Ali Salvador sa aktibidad.
Ayon sa Punong Lungsod, nais niyang mabigyan ng kasiguruhan sa paninirahan ang mga residente ng lungsod kaya patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensiya.
Nagpasalamat naman ang mga lider ng homeowners association sa patuloy na paggabay at pag-alalay sa kanila sa programang pabahay ng pamahalaan.