News »


Oryentasyon para sa mga benepisyaryo ng TUPAD mula sa DOLE

Published: March 23, 2021 09:00 AM



Isinagawa ang oryentasyon ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Marso 18 sa PAG-ASA Sports Complex.

Kasabay nito ang paglagda ng kanilang kontrata na ipinaliwanag ni Labor Employment Officer II Justine Salas. 

Ang TUPAD ay isang emergency employment program ng DOLE para mabigyan ng pagkakakitaan ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Magtatrabaho ng 10 araw bilang kaagapay sa paglilinis ng kanilang komunidad ang 103 benepisyaryo ng TUPAD mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod, at makatatanggap sila ng sahod na nagkakahalaga ng PHP420.00 kada araw.

Bibigyan din sila ng TUPAD identification card at nakatakdang i-enrol sa Government Service Insurance System (GSIS). 

Ipinamahagi rin sa kanila ang mga libreng uniporme, sombrero, face shield at face mask sa araw na iyon.

Naisakatuparan ang naturang programa sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang Public Employment and Service Office (PESO) sa pamumuno ni Senior Labor and Employment Officer Lilybeth Y. Tagle at City Councilor Trixie Salvador.