Outstanding BNS at BNC sa lungsod, kinilala
Published: August 06, 2018 04:20 PM
Pinarangalan kamakailan ang mga natatanging Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Nutrition Committee (BNC) sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon nitong Hulyo.
Ginawaran bilang Most Outstanding BNS si Luzviminda Bandojo ng Barangay Porais, at tinanghal din ang nasabing barangay bilang Most Outstanding BNC.
Kinilala naman si Marites Velasco ng Pinili bilang 1st runner-up Most Outstanding BNS, 2nd runner-up si Luisa Ganado ng Palestina, 3rd runner-up si Remedios Cariazo ng San Juan, at 4th runner-up si Ermalyn Menia ng Villa Joson.
Samantala, masaya ring idinaos ang iba’t ibang aktibidad para sa 44th Nutrition Month nitong Hulyo 24 at 31 sa pangunguna ng City Nutirition Office at aktibo itong sinalihan ng mga magulang at chikiting.
Isa sa mga tampok na patimpalak ang Baby Bump Photo Contest para sa mga nagdadalang-taong ina, kung saan nagwagi sina Ellaine dela Torre (1st Prize) at Marife Puon (2nd Prize) na pawang residente ng Barangay Pinili, at Nina Auditor ng Caanawan (3rd Prize).
Nagpakitang gilas naman sa Nutri-Puzzle ang mga mother-child tandem at nanguna rito sina Ma. Nina Nicolas at Alexa Joy ng Tulat, sumunod sina Judith Gladys Padrid at Rex Jerick ng Tayabo, at pangatlo sina Imee Agaran at Jairo ng Tondod.
Ipinamalas din ng mga ina ang kanilang pagiging malikhain sa Food Art/Food Carving Contest na nilahukan ng siyam na grupo. Sa temang ‘Bahay-Kubo sa Bagong San Jose’, gumawa ang mga kalahok ng mga bahay kubo gamit ang iba’t ibang gulay. Nanguna rito ang likha ng Group 4 na binubuo nina Rosalinda Quitoriano, Precy Catalan, Ermalyn Menia, Dominga Dizon, at Catherine Cabanada.
Sa Baby Crawl Contest, nanguna sa Baby Boy Category si Jan Gian Carlo Morota ng Porais at si Andrea Jane Habitan naman ng Tulat sa Baby Girl Category.
Panalo naman sa Milk Drinking Contest sina Rolando Eugenio ng San Juan at Precious Sanchez ng Porais; habang sina Jerimiah Hermosa at Catherine Casira ang wagi sa Bring Me Contest; at sina Adrian Flora at Xia Espiritu ang nanguna sa Bet on your Baby.
Dumalo sa naturang programa sina Mayor Mario “Kokoy” Salvador, Vice Mayor Mayor Glenda Felimon-Macadangdang at City Councilors Trixie Salvador, Victoria Adawag, at Atty. Ronald Hortizuela.