News »


Outstanding BNS, BNC, at CNPC, pinarangalan

Published: October 04, 2022 12:25 PM



Kinilala ngayong araw (Oktubre 4) ang mga Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS), Outstanding Barangay Nutrition Committee (BNC), at Outstanding City Nutrition Program Coordinator para sa taong 2021.

Pinarangalan ang Barangay Porais bilang 2021 Outstanding BNC, gayundin ang kanilang miyembro na si Luzviminda Bandojo bilang 2021 Outstanding BNS.

Ginawaran din ng parangal bilang 2021 Outstanding City Nutrition Program Coordinator (CNPC) si Celia Nicolas ng City Nutrition Office.

Ayon kay City Nutrition Action Officer (CNAO) Marissa Chua, dahil sa mga BNS, BNC, at Nutrition Program Coordinators, kitang-kita na maganda ang nagiging resulta ng nutrisyon ng mga bata at ng mga nanay sa kani-kanilang barangay.

Dumalo sa programa si Vice Mayor Ali Salvador, kasama sina City Councilor Trixie Salvador-Garcia at City Councilor Mawie Munsayac-dela Cruz upang batiin ang mga nakatanggap ng nasabing parangal at pasalamatan sila sa kanilang hindi matatawarang pagganap sa kanilang mga tungkulin.

Siniguro naman ni Vice Mayor Ali na laging handang tumulong ang kanyang opisina, kasama ang Punong Lungsod upang matugunan ang mga pangangailangan sa nutrisyon.

Samantala, pinangaralan din ang mga sumusunod na 2021 Outstanding BNS:
1st Runner-up: Remedios Cariazo (San Juan)
2nd Runner-up: Marites Velasco (Pinili)
3rd Runner-up: Ermalyn Menia (Villa Joson)
4th Runner-up: Maria Cecilia Tomas (Tondod)

2021 Outstanding BNC:
1st Runner-up: Brgy. Pinili
2nd Runner-up: Brgy. San Juan
3rd Runner-up: Brgy. Villa Joson
4th Runner-up: Brgy. Tondod

Idinaos ang awarding ceremony sa Learning and Development Room ng City Hall sa pangunguna ng City Nutrition Committee.