News »


Outstanding LGU Employees, pinarangalan

Published: September 30, 2022 01:42 PM



Kinilala ang mga katangi-tanging kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose na napili sa Service Excellence Award Program (SEAP) na inilunsad ng City Human Resource Management Office (CHRMO) kamakailan.

Idinaos ang awarding ceremony kagabi (Setyembre 29) sa Maharlika Resort Pavillion, Barangay Caanawan kung saan pinarangalan ang mga sumusunod na empleado:

*Leadership Award: Radito S. Locquiao (City Accounting Office)
*Kagandahang Asal Award: Marilou B. Javier (City Treasurer’s Office)
*Outside-the-Box Thinker Award (Group Category): Public Information Office – People with Ingenious and Outstanding (PIO) Talents
*Natatanging Kawani in the field of:
- Administrative, Technical, and Management Support: Roberto T. Santos (City Treasurer’s Office)
- Frontline Service Provider: Ian Kelvin C. Linsangan (City Treasurer’s Office)
- Design, Engineering, and Community Development: Hannah R. Domingo (City Cooperative Development Office)
- Disaster Preparedness and Social Safety: Noel P. Padiernos (Local Disaster Risk Reduction and Management Office)
- Agriculture, Veterinary, and Food Security: Michael Joey M. Magno (City Agriculture Office)
- Micro and Macro Economic Enterprise: Mercholyn M. Lubiano (City Cooperative Development Office)
- Environmental Protection: Camilo T. Agustin Jr. (City Environment and Natural Resources Office)

Dumalo si Maj. Eleanor M. Prado (RES, PA) Civil Service Commission (CSC) Field Office - Nueva Ecija Director II bilang pangunahing tagapagsalita sa programa.

Pinasalamatan at pinuri ni Maj. Prado ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Kokoy Salvador, CHRMO, at Program on Award and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee sa paglulunsad ng naturang programa para kilalanin ang mga kawani.

Nagpaalala rin siya sa mga awardee na patuloy na maging modelo sa bawat kawani. Aniya, “Tandaan natin na dala natin ang pangalan ng City Government, office hours man o hindi”.
Paalala pa ni Maj. Prado sa mga lingkod bayan, laging magtiwala sa sarili, manatiling matatag anumang pagsubok at huwag susuko, magsilbi at huwag maging pabigat sa trabaho, manatiling mapagpakumbaba, magpasalamat, at laging ngumiti.

Samantala, binati rin ni City Administrator Alexander Glen Bautista, PRAISE Committee Co-Chairman ang mga kawaning pinarangalan. Aniya, nawa’y maging inspirasyon sila sa iba pang mga kawani at civil service servants.

Ganito rin ang naging pahayag ni Vice Mayor Ali Salvador sa kanyang video message para sa okasyon, at sinabing magbigay inspirasyon sana ito na lalong pagbutihin ng lahat ang serbisyo publiko.

Isa sa mga tampok na programa ng lokal na pamahalaan para sa selebrasyon ng 122nd Philippine Civil Service Anniversary ngayong buwan ng Setyembre ang pagkilala sa mga katangi-tanging empleado ng gobyerno.