News »


Pag-IBIG Caravan sa Lungsod San Jose

Published: September 16, 2022 03:00 PM



Sa koordinasyon ng Office of the City Mayor at City Human Resource Management Office para sa selebrasyon ng Buwan ng Kawani, umarangkada ang Pag-IBIG on Wheels sa City Hall compound ngayong buwan ng Setyembre upang magbigay ng serbisyo hindi lamang sa mga San Josenio kundi sa lahat ng mga naninirahan sa ikalawang distrito ng Nueva Ecija.

Sa pamamagitan ng pagbisita sa Pag-IBIG caravan, maaring kumonsulta tungkol sa iba’t ibang benepisyo ng pagiging miyembro.
Maari ring alamin ng miyembro ang kanyang savings/ records sa Pag-IBIG Fund, o magpasa ng aplikasyon para sa Multi-Purpose Loan (MPL) o Provident Benefits Claim.

Higit sa lahat, maari rin mag-apply at kumuha ng Pag-IBIG Loyalty Card upang makuha ang mga benepisyong nakapaloob dito gaya ng ekslusibong discounts at rewards.

Ang nasabing Pag-IBIG loyalty card ay maari rin gamitin bilang cash card kung saan dito ipadadala ang perang matatanggap gamit ang Pag-IBIG Sort-Term Loan (STL), gayun din ang MP2 Savings dividends.

Bukod dito, maari rin gamitin ang card bilang debit card.

Ayon sa Branch Head ng Pag-IBIG Cabanatuan, Reynante Pasaraba, bukas ang serbisyo ng Pag-IBIG on Wheels sa Lungsod San Jose tuwing una at ikatlong Lunes ng buwan sa Office of the City Mayor – Conference Room.