News »


Pagbabakuna Kontra Rabies

Published: February 07, 2023 11:14 AM



Sinimulan na ng City Veterinary Office ang pag-iikot sa mga barangay ngayong taon para magbakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at pusa.

Unang dinayo ng mga kawani ng nasabing opisina ang Brgy. Villa Joson nitong Enero 31, at tumungo naman sila sa Brgy. Bagong Sikat, Porais, at Pinili nitong Pebrero 1-3.

Naka-iskedyul ang pagbabakuna sa iba’t ibang barangay tuwing Martes hanggang Biyernes at inaasahang maibababa ang naturang serbisyo sa 38 barangay sa lungsod hanggang Abril.

Mayroong registration fee na PHP10.00 kada alagang aso o pusa na babakunahan sa naturang aktibidad.