COVID-19 Bulletin »


PAGBABAKUNA PARA PRIORITY GROUP A2, A3 APRIL 6, 2021

Published: April 05, 2021 03:00 AM   |   Updated: June 08, 2021 03:00 PM




PUBLIC ADVISORY:
(Updated)

Maaari nang magpabakuna laban sa COVID-19 bukas, April 6 sa Pag-asa Sports Complex, F.E. Marcos ang mga kasama sa Priority Group A3 (persons with comorbidities, 18-59 years old). 

Ang mga magpapabakuna ay kailangang may dalang alin man sa mga sumusunod:
?? Kopya ng reseta ng gamot na iniinom sa nakaraang anim na buwan
?? Medical Certificate
?? Medical Abstract

Sa mga senior citizen na kasama sa A2 group, hinihintay lamang po ang supply ng vaccine brand na akma sa inyo. Kapag dumating na ang supply sa lungsod, agad na isasagawa ang pagbabakuna sa inyo.

#BIDABakuNation
#RESBAKUNA
#BakunadoProtektado