News »


Paggawa ng pitaka at bag mula sa basurang plastic, isinagawa

Published: October 09, 2018 03:33 PM



Masayang naidaos ang training sa paggawa ng mga pitaka at bag gamit ang mga basurang plastik sa Learning and Development Room ng City Hall nitong nakaraang ika-4 ng Oktubre.

Dinaluhan ng mga piling kinatawan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang naturang pagsasanay. May mga nakisali rin mula sa youth sector at mga miyembro ng 4Ps. Ang mga participants na ito ang magtuturo rin sa iba para matuto sa paggawa.

Ang training ay isa sa mga isinusulong na proyekto ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pangunguna ni City ENRO Trina D. Cruz at ng Manila Bay Team - Clean Up And Rehabilitation Program.

Suportado rin ang naturang training ng City Cooperative Development Office at Department of Trade and Industry. Ayon kay Cruz, makatutulong ang ganitong uri ng pagsasanay para sa kampanya laban sa basura at makadadagdag din sa pangkabuhayan ng mga mamamayan ng San Jose.

Dumalaw si Mayor Kokoy Salvador at nagbigay ng mensahe. Aniya, napakahalagang masanay ang nakararami sa ganitong aktibidad. Bukod sa makadadagdag ito sa kanilang kita, mabuti rin itong libangan para sa mga kabataan at kababaihan.

(Ramil D. Rosete)