Paggawad ng Parangal sa mga Nagwagi sa Paligsahan sa Paggawa ng Poster
Published: August 15, 2022 01:00 PM
Kinilala kaninang umaga (Agosto 15), kasabay ng programa para sa Pagtataas ng Watawat sa City Social Circle ang mga nagwagi sa Paligsahan sa Paggawa ng Poster na inorganisa ng Aklatang Panlungsod.
Kasama ni City Librarian Helen Ercilla si Vice Mayor Ali Salvador sa paggawad ng parangal sa mga nanalo, kung saan nanguna si Aubrey May Medina, ikalawa si Peter Escalona, at ikatlo si Jeremy Ladia.
Tumanggap sila ng sertipiko at cash prize, at may consolation prize din para sa 17 kalahok.
Idinaos ang nasabing paligsahan nitong ika-8 ng Agosto sa Pag-asa Sports Complex.
Gumuhit ng poster ang mga kalahok batay sa tema ng selebrasyon ng ika-53 Araw ng Lungsod San Jose na “#NewNormal San Jose: Lungsod na Matatag, San Joseniong Panatag”.