Pagibang Damara Boodle Fight, Tampok sa Umagang Kay Ganda
Published: April 26, 2018 01:21 PM
Tunay na isang masayang salo-salo para sa masaganang ani ang isinagawang Boodle Fight nitong umaga (Abril 26) sa City Social Circle at naitampok pa ito sa programang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN.
Pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama ang segment host ng UKG na si Gretchen Ho ang Ceremonial Scoop of Rice mula sa giant palayok.
Matapos nito ay sama-sama nang nag-almusal ang mga San Josenio sa isang boodle fight kasalo si Mayor Kokoy, mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan.
Inihain dito ang iba’t ibang pagkaing kilala sa lungsod gaya ng pancit kanin, mga kakanin, pinapaitan, sisig at marami pang iba.
Nagbigay saya rin sa pagdiriwang ang mga makukulay na costume at masisiglang performance ng mga street dancers.
Ayon kay Epel, isa sa mga naki-boodle fight, ito na ang pinakamasayang salo-salo na kanyang nadaluhan dahil bukod aniya sa natikman niyang lechon, naipalabas pa ito sa isang TV program.
Ito ay ilan lamang sa tampok na aktibidad sa ikalawang araw ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival 2018.