Pagibang Damara Festival 2023 Opening
Published: April 18, 2023 12:09 PM
Opisyal nang binuksan ang taunang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival sa Lungsod San Jose ngayong araw, Abril 18.
Sinimulan ang okasyon ng Misa ng Pasasalamat sa St. Joseph Cathedral na pinangunahan ni Most Rev. Roberto C. Mallari, DD, kasama sina Rev. Fr. Getty Ferrer, JCD at Rev. Fr. Excel Nietes.
Dinaluhan ito nina Mayor Kokoy, Vice Mayor Ali Salvador at kanilang pamilya, gayundin ang ilang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.
Matapos ang misa, idinaos naman ang Opening Program sa City Social Circle kung saan nagbigay aliw sa mga manonood ang Talplacido Band at Bermudez Band.
Nabusog din ang mga nakisaya sa programa ng iba’t ibang libreng kakanin at iba pang pagkain mula sa mga itinayong food stall dito.
Nagpahayag naman ng kanyang panimulang pagbati si Vice Mayor Ali at nagbalik tanaw sa esensiya ng pagdiriwang ng Pagibang Damara na isang okasyon ng pasasalamat sa mga biyayang natamo ng lungsod.
Bumati rin at nagpasalamat si Mayor Kokoy Salvador sa mga nakiisa sa piyesta.
Samantala, binuksan din ngayong umaga ang Pagibang Damara Festival Trade Fair sa City Social Circle.
Kasama sa ribbon-cutting ceremony nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali si Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Richard V. Simangan, habang inanyayahan naman ni City Tourism Officer Darmo Escuadro ang mga San Josenio na suportahan ang iba’t ibang lokal na produkto na tampok sa Trade Fair.
Nilahukan ito ng 31 micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod pati na ng mga taga-karatig bayan.
Magtatagal ang Trade Fair at selebrasyon ng Pagibang Damara Festival hanggang Abril 23.