Pagibang Damara Festival 2024 »


Pagibang Damara Festival 2024 Opening #PagibangDamaraFestival

Published: April 16, 2024 12:00 PM   |   Updated: May 29, 2024 03:37 PM



Opisyal nang binuksan ang pagdiriwang ng Pagibang Damara Festival 2024 sa Lungsod San Jose ngayong araw, Abril 16.

Sinimulan ang okasyon ng Misa ng Pasasalamat sa St. Joseph Cathedral na pinangunahan nina Most Rev. Roberto C. Mallari, DD at Rev. Fr. Getty Ferrer, JCD.

Kasama naman ni Mayor Kokoy Salvador na nagsimba ang kanyang pamilya, gayundin ang ilang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Matapos ang misa, idinaos ang panimulang programa sa City Social Circle kung saan nagsalo-salo sa Boodle Fight at may libre pang sorbetes at ice iskrambol ang mga dumalo rito.

Dagdag aliw rin sa mga manonood ang Talplacido Band, Bermudez Band, at Tribo Ecijano Drumbeaters.

Nagpahayag naman ng kani-kanilang pagbati at pasasalamat sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador sa lahat ng nakibahagi sa naturang okasyon.

Hiling din ni Vice Ali na maging masaya ang buong linggong pagdiriwang ng piyesta.

Samantala, binuksan din ngayong umaga ang Agro-Trade Fair na nagtatampok ng iba't ibang lokal na produkto ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa lungsod, pati na ng mga taga-karatig bayan.

Kasama nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali ang City Cooperative Development Office, Department of Trade and Industry (DTI) - Nueva Ecija, at Department of Agrarian Reform (DAR) Provincial Office sa ribbon-cutting ceremony.

Magtatagal ang Trade Fair at selebrasyon ng #PagibangDamaraFestival hanggang Abril 21.