News »


Pagkakaisa para sa Mapayapa at Maayos na Eleksiyon

Published: September 07, 2023 03:45 PM



Nagtipon-tipon ang mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 para sa Unity Walk, Inter-Faith Prayer Rally, Candidates Forum, and Peace Covenant Signing nitong umaga (Setyembre 7).

Sama-samang naglakad mula City Social Circle patungong St. Joseph Catheral ang mga lumahok, kasama ang Philippine National Police (PNP)-San Jose City (SJC), Nueva Ecija Provincial Police Office, City DILG, 84IB &ID Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP)-SJC, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-SJC, Commission on Elections (COMELEC), Diocese of San Jose City, ilang kinatawan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, at iba pang organisasyon.

Nagkakaisa ang mga naturang ahensiya sa panawagan para sa mapayapa, malinis, at maayos na BSKE 2023 na gaganapin sa Oktubre 30.

Ipinaliwanag naman ni Election Officer Rex Julius de Guzman ang Election Guidelines, habang si Rev. Fr. Getty Ferrer ang nanguna sa Integrity Pledge at sinundan ito ng Signing of Covenant.