News »


Pagkilala kina Aikon Ignacio at Princes Lazaga mula sa Sangguniang Panlungsod

Published: May 24, 2023 03:16 PM



Binigyan ng pagkilala sina Ivan Aikon Ignacio at Princes Lazaga ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session nitong umaga (Mayo 24) dahil sa kanilang matagumpay na pagsabak sa national pageant bilang kinatawan ng Lungsod San Jose.

Hinirang na Mister Pilipinas Cosmopolitan 2023 si Ignacio nitong Mayo 6 sa Okada, Manila at Miss Philippines Earth 2023 Runner-up naman si Lazaga sa ginanap na coronation night sa Cebu nitong Abril 29.

Bago sumali sa mga naturang pageant, si Ignacio ay nanalo bilang Mister San Jose City 2023 2nd runner-up, habang si Lazaga ang reigning Binibining Nueva Ecija 2022.

Inaasahan naman ang susunod na pagsabak ni Ignacio sa international stage sa kauna-unahang Mister Cosmopolitan na gaganapin sa Oktubre sa Kuala Lumpur, Malaysia.