News »


Pagkilala sa mga PMA Graduate at City Accounting Office

Published: May 29, 2023 12:23 PM



Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ang dalawang San Josenio na sina 2Lt Ranil Landicho Jr. at 2Lt Gene Kenneth Suñaz sa kanilang matagumpay na pagtatapos sa Philippine Military Academy (PMA) ‘MADASIGON’ (Mandirigmang May Dangal Simbolo ng Galing at Pagbangon) Class of 2023.

Sina Landicho at Suñaz ay dalawa sa 310 kadeteng nagtapos nitong Mayo 21 sa PMA, Fort Gregorio del Pilar, Baguio City.

Personal naman silang binati ni Mayor Kokoy Salvador sa ginanap na flag raising ceremony sa munisipyo nitong umaga (May 29).

Samantala, inanunsyo rin dito ang natanggap na PhALGA Excellence Award ni City Accountant Frediz Daquila.

Iginawad ang naturang parangal sa ginanap na 18th Annual National Convention of the Philippine Association of Local Government Accountants (PhALGA) sa Gen. Santos City nitong Mayo 23-26 na dinaluhan naman ni Accountant IV John Bertrand Gatchalian.

Ang PhALGA Excellence Award ay iginagawad sa accountants ng mga bayan, lungsod, at probinsiya na nakatanggap ng ‘unqualified opinion’ mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2021.

Nangangahulugan itong may malinis at maayos na financial records ang opisina at sumunod ito sa accounting standards.