Pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Public Market
Published: August 02, 2017 05:47 PM
Naging paksa sa pagpupulong ng market vendors na ginanap sa Office of the City Mayor Conference Room nitong hapon (August 2) kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa Public Market.
Kabilang sa mga tinalakay dito ang pagdaragdag ng public CR, update ng market collection nitong Enero hanggang Hunyo, pagiging responsable sa pagpa-park ng kanilang mga sasakyan para makaiwas sa traffic at marami pang iba.
Nagpasalamat naman ang mga market vendors kay Mayor dahil nakikita nila ang malaking pagbabago sa kaayusan at kalinisan sa palengke.
Nangako naman ang Punong Lungsod na mas pagagandahin pa ang Public Market. Aniya, nakakasa na ang mga proyektong gagawin para dito.
Ipinakilala rin sa pagpupulong ang mga bagong officers ng Night Market Vendors Association at inaprubahan din ang kanilang proyektong “Search for Ginang Palengke ng San Jose 2017” na gaganapin sa Setyembre.
Pinangunahan naman ng Punong Lungsod ang paggawad ng sertipiko sa mga bagong nagmamay-ari ng ilang pwesto sa palengke.
Dumalo rin sa pagpupulong si City Administrator Glenn Bautista, City Treasurer Officer Arnold Escuadro, City Social Welfare and Development Officer Lourdes Medina at City Public Market Officer Jingle Barlaan.