News »


Pagsasaayos ng Palengke, Sinimulan Na

Published: June 03, 2021 03:00 PM



Nag-inspeksyon nitong umaga, Hunyo 3, si Mayor Kokoy Salvador kasama si OIC Market Administrator Danilo Ariem sa Public Market upang tingnan ang mga kinakailangang ayusin sa imprastraktura ng palengke. 

Inatasan ng Punong Lungsod ang pamunuan ng palengke na agad bigyang pansin ang pagmementina at ang mga kailangang kumpunihin sa pamilihan.

Tinanggal na rin ang mga barikada sa bungad ng palengke (sa gawi ng daang malapit sa Bonifacio Street).

Nagpaalala rin si Mayor Kokoy ng kahalagahan ng pagpapatupad ng COVID-19 health & safety protocols sa palengke.