Pagsasanay sa Organic Farm Input Production, Isinagawa
Published: October 05, 2018 05:14 PM
Mahalagang ang ating kinakain ay produkto ng organikong paraan ng agrikultura, kaya naman isang araw na pagsasanay ukol sa Organic Farm Input Production ang isinagawa ng City Agriculture Office kamakailan lang.
Tinalakay sa organic farm input production seminar ang paggawa ng vermi tea; paggawa ng indigenous micro-organism; lactic acid bacteria; herb nutrient na may kasamang luya at bawang; paggawa ng fish amino acid; calcium phosphate na hinaluan ng buto ng hayop; fermented fruit juice na sinamahan ng saging, papaya at pakwan; at fermented plant juice na sinamahan naman ng talbos ng kamote at kulitis.
Ayon kay City Agriculturist Violeta Vargas, makatutulong ang mga ito sa magsasaka dahil pwede itong gawin sa bahay at bukod sa makakatipid na ay sigurado pa sa kalidad dahil organic.
Dumalo sa nasabing pagsasanay na ginanap sa covered court ng Tayabo ang apatnapung magsasaka na nabigyan din ng libreng buto ng gulay.
(Sheril Ramos)