News »


Pagsulong sa aniti-smoking campaign, pinaigting

Published: September 20, 2017 04:42 PM



Para sa mas maigting na kampaya kontra paninigarilyo, nagsagawa ng anti-smoking campaign ang City Health Office (CHO) sa lungsod nitong lunes, ika-18 ng Setyembre.

Kasama ang mascot na si Yosi Kadiri, umikot sa City Proper ang mga empleyado ng CHO sa pamamagitan ng motorcade kung saan nagpamudmod ng flyers at nagkabit ng mga tarpaulin laman ang adbokasiya ng anti-smoking.

Kasabay din nito ang pag-iikot ng mga kinatawan ng Sanitation Office sa mga tindahan na nagbebenta ng sigarilyo at pagsisiyasat kung gumagamit ang mga ito ng public advisories patungkol sa pagbabawal ng paninigarilyo sa mga itinakdang lugar.

Kaugnay nito, isa ang Lungsod ng San Jose sa mga nagnanais makamtan ang Red Orchid Award, isang parangal at pagkilala mula sa DOH para sa mga Lokal na Pamahaalan, tanggapan o ahensya ng gobyerno at mga ospital na nagpapatupad ng tobacco-free o tobacco-controlled environment.

Ayon kay Nurse at Anti-Smoking Coordinator Amy Madriaga, ang naturang kampanya ay bilang paghahanda na rin sa isasagawang validation ng mga kinatawan ng DOH sa Setyembre 21 para sa Red Orchid Award.

Ang anti-smoking campaign sa lungsod ay puspusang isinusulong at sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan.