Pagtatatag ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Group sa lungsod, tinalakay
Published: September 15, 2022 01:00 PM
Nagpulong nitong umaga, Setyembre 15, sa City Hall ang mga kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at ilang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang City Councilor upang pag-usapan ang mga alituntunin sa pagtatatag at pagpapalakas ng Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Group sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Obita B. Agliam, Head, ABE-OPA, at ni Attorney Blue Boy Abesamis, OPA, na nakaayon ito sa Joint Memorandum Circular #2 Series of 2020 at iba pang naitatag na batas at mandato ng bansa gaya ng Republic Act No. 10915.
Iginiit ni Abesamis ang kahalagahan ng pagtatag nito sapagkat ayon sa kanya, “papunta pa lamang tayo sa mekanisasyon, samantalang nasa dulo na ang ibang bansa.”
Ayon kay Agliam, kumpara sa ibang bansa na may 8 – 15 horsepower ng mekanisasyon, nahuhuli ang Pilipinas sa bagay na ito kung saan tila nasa 2 – 3 horsepower lamang ang lebel ng mekanisasyon at tanging para lamang iyon sa palay.
Gayun pa man, pinuri ni Agliam ang pagiging progresibo ng Lungsod San Jose.
Ipinahayag naman nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali ang kanilang pagsang-ayon sa adhikaing ito.
Sa pagpupulong, binanggit ni Vice Mayor Ali na hindi talaga maiiwasan ang modernisasyon kung kaya’t nararapat lamang na makiayon ang lungsod at mga magsasaka.
Ayon naman kay Mayor Kokoy, sisikapin ng lungsod na maitatag ang nasabing grupo sapagkat para rin ito sa ikatatagumpay ng mga magsasaka.
Bagama’t pamumunuan ng Punong Lungsod ang Agricultural and Biosystems Engineering (ABE) Group, sasailalim ang programa sa pamamahala at koordinasyon ng City Agriculture Office.
Dagdag ni Francisco Dantes, OIC City Agriculturist, inaasahang maitatag ito sa susunod na taon depende sa budget ng lungsod.