Paligsahan sa Paggawa ng Poster
Published: August 09, 2022 10:00 AM
Nagtagisan kahapon (Agosto 8 ang 26 na kalahok sa Paligsahan sa Paggawa ng Poster na inorganisa ng Aklatang Panlungsod para sa selebrasyon ng ika-53 Araw ng Lungsod San Jose at Buwan ng Wika ngayong Agosto.
Binuksan ang paligsahan sa mga San Joseniong edad 18-24 na taon para maipamalas ang kanilang galing sa larangan ng sining.
Gumuhit ng poster sa loob ng dalawang oras ang mga kalahok batay sa temang “#NewNormal San Jose: Lungsod na Matatag, San Joseniong Panatag”.
Idinaos ang paligsahan sa Pag-asa Sports Complex kung saan nagsilbing hurado sina Atty. Christopher H. Pobre, Dr. Victoria V. Viloria, at Gng. Ma. Luvim M. Macabale.
Dumalo rin sa aktibidad at nagpahayag ng kanyang pagbati si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin si City Councilor Glenda Felimon-Macadangdang.
Iaanunsiyo ang mga nagwagi sa Agosto 15 sa Facebook page ng Aklatan: https://www.facebook.com/AklatangSanJose