Pamamahagi ng Hybrid Seeds ng City Agriculture Office
Published: November 16, 2021 01:00 PM
Sinimulan na ang pamamahagi ng hybrid seeds para sa mga magsasaka sa lungsod nitong ika-15 ng Nobyembre, sa pangunguna ng City Agriculture Office (CAO) kasama si Mayor Kokoy Salvador.
Nauna nang nabigyan ng binhi kahapon at ngayong araw (Nobyembre 16) ang mga taga-Brgy. Sto. Tomas, Kaliwanagan, Porais, San Agustin, San Juan, Villa Marina, Culaylay, Parang Mangga, Palestina, Villa Joson, Pinili, Malasin, Villa Floresta, at Sto. Nino 3rd.
Nakaiskedyul namang ipamahagi ang binhi bukas sa Brgy. Dizol, A. Pascual, Kita-Kita, Sibut, Tondod, Tabulac, at Bagong Sikat.
Inaasahang mabibigyan ang mga magsasaka sa 33 barangay ng nasabing binhi.
Sa kasalukuyan, mayroong tatlong klase ng hybrid seeds ang ipinapamahagi gaya ng SL-8H, US88, SL-20H, at may hinihintay pa na Longpin.
Upang makatanggap ng subsidiya mula sa Department of Agriculture (DA), kailangang rehistrado sa Master List ng DA ang magsasaka.
Ang mga hindi pa rehistrado ay kailangan lamang makipag-ugnayan sa nakatalagang farm technician sa kanilang barangay.