Pamamahagi ng Livelihood Assistance Grant (LAG)
Published: December 15, 2020 12:00 AM
Ipinamahagi kahapon (Disyembre 14) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III ang ikalawang bugso ng Livelihood Assistance Grant (LAG) sa 149 na benepisyaryo sa lungsod.
May kabuoang P1.7m ang inilaang pondo mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng naturang ahensiya, kung saan nakatanggap ng P8,000 hanggang P15,000 cash grant ang mga kuwalipikadong benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay.
Isinagawa ang pamimigay ng naturang ayuda sa PAG-ASA Sports Complex, na dinaluhan ng ilang kawani ng DSWD Nueva Ecija Provincial Extension Office sa pangunguna ni SLP Provincial Coordinator Armando N. Silva.
Sa ilalim ng implementasyon ng Bayanihan to Recover as One Act, isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan ang Livelihood Assistance Grant (LAG) na mayroong pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low-income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.