News »


Pamamahagi ng Wheelchairs at Tungkod

Published: October 13, 2022 02:33 PM



Nakatanggap ngayong araw (Oktubre 13) ng tungkod at wheelchair ang 36 na persons with disabilities (PWD) mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose.

Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador ang pamimigay ng mga nasabing kagamitan, kasama sina City Councilor Trixie Salvador-Garcia, City Councilor Vanj Manugue, City Councilor Doc Susan Corpuz, at Disability Affairs Officer II Christian Nicolas ng PWD Affairs Office (PDAO).

Ipinamigay kanina sa OCM Conference Room ang siyam na tungkod at 27 wheelchair, kabilang ang tatlong wheelchair na pambata (pedia-wheelchair).

Pinasalamatan ni Nicolas sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali sa kanilang adhikaing makatulong sa mga PWD ng lungsod.

Ibinahagi naman ni Mayor Kokoy ang kanyang kagalakan para sa mga makatatanggap ng mga nasabing kagamitan dahil makatutulong ito sa kanila para makapaglibot.

Naniniwala rin si Vice Mayor Ali na kapag binigyan ng espesyal na alaga ang mga PWD ay siguradong mayroon din silang mga espesyal na magagawa para sa lungsod.

Sinang-ayunan naman ito ng mga konsehal at anila, ang mga ipinamimigay na kagamitan ay simbolo ng malasakit at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga PWD.