News »


Pamimigay ng Oxygen Tank, Head Immobilizer, at Oximeter sa 38 Barangay

Published: June 05, 2023 02:49 PM



Nagpamigay ng mga oxygen tank, head immobilizer, at oximeter ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) kaninang umaga (Hunyo 5) para sa 38 barangay sa lungsod.

Kasabay nito ay nagsagawa rin ng First Aid Training/Orientation sina LDRRMO Officer IV and OIC Sheridan Lindain at LDRRMO Officer II Noel Padiernos para sa mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay, kung saan kasamang tinalakay rito ang tamang paggamit ng head immobilizer.

Dumalo sa nasabing aktibidad na ginanap sa LDRRMO Conference Hall sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador na kapwa nagpahayag ng kani-kanilang suporta sa mga proyektong makabubuti sa mga barangay.

Hinikayat ni Mayor Kokoy ang mga kalahok na ibahagi sa kanilang mga ka-barangay ang natutunan sa pagsasanay.

Nagpaalala rin ang Punong Lungsod sa obligasyon ng mga Punong Barangay sa pagpapatupad ng ordinansa ukol sa pagala-galang aso para makaiwas sa rabies.

Pinuri naman ni Vice Mayor Ali ang LDRRMO sa paglalaan ng pondo para sa mga programa at proyektong para sa kaligtasan ng mga San Josenio.