Panganakan ng San Jose 11th Year Celebration: Buntis Festival
Published: May 23, 2018 03:19 PM
Bilang pagdiriwang ng ika-11 taon ng Panganakan ng San Jose, nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng City Health Office (CHO) ng “Buntis Festival for Health and Healthy Lifestyle Caravan” nitong Martes, May 22 sa CHO compound.
Kabilang sa mga naging aktibidad dito ang Zumba, audio visual presentation at pagbibigay ng mga paalala sa mga buntis ng kanilang mga dapat gawin para maging healthy ang batang nasa kanilang sinapupunan.
Mayroon din ditong family planning booth, maternal child health and nutrition booth, HIV testing booth, EPI booth, at BP/FBS/ RBS screening.
Pinaalala naman ng mga kawani ng CHO sa mga buntis ang kahalagahan ng breastfeeding, regular check-up at inanyayahan silang sa Panganakang Bayan na manganak dahil maliban sa ito’y libre, makasisiguro din sila sa kanilang kaligtasan.
Dumalo sa naturang selebrasyon si Punong Lungsod Kokoy Salvador upang magpakita ng suporta at magbigay ng mensahe kasama ang ilang konsehal ng lungsod.
Ayon kay Mayor, maganda ang mga ganitong aktibidad upang higit pang mapalawig ang kaalaman ng mga buntis tungkol sa mga dapat nilang gawin at kainin para mapangalagaan si baby.