News »


Pansamantalang pangkabuhayan sa mga nawalan ng trabaho, isinulong

Published: May 04, 2021 03:00 PM



Muling naghatid ng tulong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng programang TUPAD o Tulong Panghanabuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Sumalang sa oryentasyon nitong Biyernes (Abril 30) ang mahigit isandaang (103) benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod na makikinabang sa naturang proyekto.

Ayon sa mensahe ni Konsehala Trixie Salvador, naisakatuparan ang programang ito sa tulong at supporta ni Sen. Joel Villanueva na naglaan ng isa’t kalahating milyong pondo para sa TUPAD. 

Dagdag pa niya, maghahatid ang mga benepisyaryo ng serbisyo publiko gaya ng paglilinis sa barangay sa loob ng sampung araw, at makatatanggap ng 420 pesos na sweldo o minimum wage kada araw.

Sa pagtutulungan ni Mayor Kokoy Salvador at ng PESO, sa pangunguna ni Sr. Labor & Employment Officer Lilybeth Tagle, masusing pinili ang mga benepisyaryo ng TUPAD.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga pinalad na San Josenio kina Mayor Kokoy, Sen. Villanueva at Konsehala Trixie sa pagiging daan para maisagawa ang ganitong programa.