Panunumpa sa Katungkulan ng mga Pinuno ng Iba't ibang Tribu sa Lungsod
Published: August 04, 2022 10:47 AM
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsagawa ng Mass Oathtaking of Tribal Chieftains o panunumpa sa katungkulan ng mga pinuno ng iba’t ibang tribu sa lungsod ngayong araw (Agosto 4).
Idinaos ang naturang aktibidad sa Tayabo Nature Park Multi-Purpose Hall, kung saan pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang panunumpa ng 30 pinuno na kinatawan ng 16 na tribu sa lungsod, kabilang ang Muslim community.
Layunin ng aktibidad na ito na kilalanin ang mga tribal leader o chieftain dito at hikayatin silang aktibong makilahok at makiisa sa mga programa ng lokal na pamahalaan.
Tiniyak naman ni Mayor Kokoy Salvador na walang diskriminasyon at pantay-pantay ang pagtingin sa lahat ng tribu at miyembro ng IP rito.
Nagpahayag din ng kanyang pagbati si Vice Ali, gayundin si Kgg. Lucia Naboye, Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) sa Sangguniang Panlungsod.
Bukod sa panunumpa sa katungkulan, nagsagawa rin ng oryentasyon ukol sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga tribal leader sa pangunguna ni Atty. Dyan Tumamao-Andrada, Provincial Legal Officer.