News »


Patak Kontra Polio

Published: August 03, 2020 12:00 AM



Nagpatuloy nitong umaga, August 3, ang programang Patak Kontra Polio sa Brgy Tulat.

Inisyatibo ng Department of Health, UNICEF, at WHO ang programa na ibinababa naman ng City Health Office sa mga komunidad.

Ayon sa City Health Office - National Immunization Program Nurse Coordinator Marilyn Ong, nagsimula ang kanilang pagbaba sa mga barangay noong July 20 at magtatapos ito sa August 7.

Halos labing-pitong libong bata ang target na mapatakan ng monovalent polio vaccine (mOPV) at sa ngayon ay nakapagpatak na sila ng 13,621.

Magkakaroon naman ng Round 2 (second dose) ng vaccine sa buwan ng Setyembre.

Sumama sa Patak Kontra Polio sa Brgy Tulat ang Punong Lungsod Kokoy Salvador upang personal na masaksihan ang programang ginagawa ng City Health Office.