Peace and Order is Everybody's Concern
Published: September 11, 2023 11:41 AM
“PEACE AND ORDER IS EVERYBODY’S CONCERN.”
Ito ang binigyang diin ni PLtCol Ariel V. Enriquez, acting Chief of Police ng lungsod sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony nitong umaga (Setyembre 11) sa City Social Circle, kung saan nagsilbing host sa programa ang PNP San Jose.
Kaugnay ito ng paalala ni Enriquez ukol sa mga pinaiiral na batas ngayong election period, partikular ang Omnibus Election Code.
Iginiit ng hepe ng Pulisya na ipinagbabawal ang pagdadala ng deadly weapons tulad ng baril, pati na air gun.
Binigyang diin din ni Enriquez ang pagkakaroon ng disiplina ng bawat isa para sa kaayusan ng lungsod.
Samantala, ipinamalas naman sa programa ang talento ng mga empleado ng lokal na pamahalaan na sina Henry Cabreros, Maria Christina Abobo, at Joan Fernando na naging kinatawan ng lungsod sa singing contest sa Panlalawigang Araw ng Kawani nitong Setyembre 1.
Inanunsiyo rin ni City Human Resource Management Officer Romeo Yacan Jr. ang pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-123 anibersaryo ng Serbisyo Sibil ngayong buwan ng Setyembre.
Inaasahan ang pagbubukas ng LGU Sportsfest mamayang hapon sa Pag-asa Sports Complex kung saan magtutunggali ang limang koponan mula sa iba’t ibang opisina.