News »


PhilSys Registration Center sa Lungsod

Published: March 24, 2021 09:00 AM



Pinasinayaan kahapon (Marso 23) ang PhilSys o Philippine National ID Registration Center sa lungsod na matatagpuan sa Guijo Street, Josephine Village, Barangay Calaocan.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador, kasama si Chief Statistical Specialist Elizabeth Rayo ng Philippine Statistics Authority (PSA) – Nueva Ecija ang ribbon-cutting ceremony, habang si Rev. Fr. Getty Ferrer ang nanguna sa panalangin at pagbabasbas ng naturang tanggapan.

Dati itong Barangay Hall ng Calaocan at ni-renovate para magamit na pasilidad bilang National ID Registration Center.

Ayon kay Mayor Kokoy, maituturing na isa na naman itong ‘milestone’ para sa lungsod, at inaasahang sa pamamagitan nito ay mas magiging maayos ang proseso ng mga transaksiyon dito.

Samantala, ipinababatid ng pamunuan ng PhilSys San Jose City na alinsunod sa Executive Order No. 11 ng Punong Lungsod, hindi muna tatanggap ang Registration Center ng mga kliyente na may edad 18 pababa at 65 pataas, gayundin ang mga buntis, may immunodeficiency, may comorbidity, o iba pang health risks.

Ang mga tatanggaping aplikante simula March 24 para sa Step 2 Registration ng Philsys San Jose City ay ang mga may Step 1 Appointment Slip Schedule mula November 25, 2020 hanggang December 31, 2020.

Hinihiling sa lahat ng pupunta roon na sundin ang mga health protocol, kabilang  ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Para sa mga katanungan, bisitahin ang https://www.facebook.com/philsyssjcne