News »


Pista ng Sto. Ni�o, Masayang Ipinagdiwang sa Barangay

Published: January 22, 2018 04:47 PM



Panahon na naman ng pagdiriwang ng iba’t ibang kapistahan kaya naman sunod-sunod ang selebrasyon na nagaganap sa mga barangay, at nagsimula na nga ito sa Sto. Niño 2nd at Sto. Niño 1st.

Nakihalubilo at nakisaya nitong Sabado at Linggo kahapon si Punong Lungsod Kokoy Salvador at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan ng dalawang barangay na ito para sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Ikinatuwa ng mga residente doon ang mga palarong handog ng Punong Lungsod na sinalihan hindi lamang ng mga kabataan at kanilang mga magulang, kundi pati na rin ng mga lolo at lola.

Nag-enoy ang mga kalahok at pati na rin ang mga manonood dahil sa mga laro at sa mga papremyong galing sa Punong Lungsod.

Sa mensahe ni Mayor, kaligayahan niyang makitang masaya ang mga mamamayan, kaya hindi titigil ang kanyang pamunuan na tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente dito at sa iba pang barangay sa lungsod habang patuloy na pinagaganda at pinauunlad ang Lungsod ng San Jose.

Kaugnay nito, tinanghal naman na Mr. and Ms. Sto. Niño 1st sina Amelia Paltep at Chriz Jordanne Valenton na kinoronahan nitong Linggo (Enero 21).