News »


Pnapsack Sprayer ad Plastic Crates Distribution

Published: April 28, 2023 08:00 AM



Pinagkalooban ng knapsack sprayer at plastic crates ang apat na asosayon ng magsasaka sa lungsod kahapon (Abril 27) sa pangunguna ng City Agricultural Office (CAO).

Dinaluhan nina Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang nasabing aktibidad.

Ayon kay City Councilor Mawie Munsayac-dela Cruz, Chairperson on Agriculture Committee ng SP, kahit ano man ang mangyari, nawa’y huwag sumuko ang mga magsasaka sa hirap ng buhay sapagkat kasama ng mga ito ang gobyerno sa kanilang mga laban sa buhay.

Sinang-ayunan naman ito ni Vice Mayor Ali kung saan ipinaalala nito na bagama’t hindi nakadalo si Mayor Kokoy Salvador ay makaaasa sila na lagi itong naghahanap ng paraan upang makatulong sa mga magsasaka.

Nakatanggap ng 50 plastic crates ang Manicla Multi-Farming Association, habang nabigyan naman ng tig-10 knapsack sprayer ang Caanawan Farmers Association, Tayabo Agri-Nature Innovators Movement, at Bagong Sikat Farmers Association.

Ayon sa CAO, bahagi ito ng High Value Crops Development Program ng rehiyon kung saan nagbigay ng kahilingan ang nasabing mga asosasyon na siya namang inendorso ng kanilang opisina.