News »


PopDev Week Celebration

Published: December 02, 2020 12:00 AM



Kinilala ang sampung Migration Information Officer o MIO sa lungsod nitong nakaraang Biyernes, kasabay ng selebrasyon ng Population and Development Week na idinadaos mula November 23 hanggang November 29 kada taon.

Nanguna bilang Most Outstanding MIO si Perpetua Manaois ng Barangay Porais, habang si Melanie Olarte naman ng Barangay Parang Mangga ang nakakuha ng ikatlong puwesto, at pangatlo si Shinderella Dela Cruz ng Barangay Dizol.

Tumanggap ng tropeo at cash incentive ang Top 3 MIO, at may consolation prize din para sa Top 4 hanggang Top 10 MIO na kinabibilangan ng Barangay Kita-Kita, Malasin, Tulat, Pinili, Tondod, Villa Joson, at Manicla.

Ilan sa naging pamantayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang kanilang Family Planning Accomplishment kung saan dapat marami silang kabarangay na nahikayat na mag-family planning.
Kasama rin sa criteria ang commitment, initiative, personality, data banking at records keeping, pati na ang maintenance ng Barangay Information Center. 

Buo naman ang suporta ni Mayor Kokoy Salvador sa programang ito ng City Population Office. Dumalo rin dito sina Vice Mayor Glenda Macadangdang at mga City Councilor na sina Atty. Ronald Lee Hortizuela, Trixie Salvador, Doc. Susan Corpuz at ang mga kapitan ng bawat barangay na nagwagi.