News »


Potable Water sa Culaylay, dumaloy na

Published: December 05, 2018 03:20 PM



Hindi lamang ang pagpapaganda at pagpapasikat ng Lungsod San Jose ang tinututukan ng administrasyon ni Punong Lungsod Kokoy Salvador. Sa likod ng mga nakikitang proyektong nagpapaganda sa bayan, tahimik na lumalakad ang mga proyektong napapakinabangan ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar.

Katunayan, nitong umaga lamang, Disyembre 5, dumaloy na ang malinis na tubig sa Brgy. Culaylay nang pasinayaan ang pang-labingpitong (17) Potable Water System sa pamamagitan ng proyektong Potable Water System (POWAS) na hatid ng Lokal na Pamahalaan.

Hindi na mababahala at makatitiyak nang may malinis na tubig na maiinom ang mga taga-barangay. Bukod dito, matutulungan din sila ng proyekto na magkaroon ng dagdag na kita na siyang gagamitin sa pagme-mentina ng POWAS.

Nakakasa na ring pasisinayaan ang iba pang mga ganitong proyekto sa mga susunod na linggo.

Dumalo rin sa programa sina Konsehala Trixie Salvador, Konsehal Roy Andres, Konsehal Niņo Laureta, mga barangay officials at mga residente ng lugar na nagsilbing saksi sa naturang turn-over ceremony.