News »


Potable Water System sa Villa Joson

Published: June 11, 2018 05:25 PM



Hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay aksyon sa mga kahilingan ng mga San Josenians.

Nitong umaga, June 11, bagama’t maambon ang panahon ay maagang nagtungo sa Villa Joson ang Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador upang pormal na gawin ang “handover” ng Potable Water System (POWAS), ang landmark project ng Punong Lungsod na nagbibigay ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar na hirap makakuha nito.

Matatandaang nakapagbigay na ng ganitong proyekto ang Lokal na Pamahalaan sa Kita-Kita, Tayabo, Habitat Village, Sto. Niño 3rd at Villa Marina.

Sa mga susunod na araw ay papasinayaan na rin ang mga POWAS sa barangay A. Pascual, Tondod at Abar 2nd.. Patuloy naman ang pagtatayo nito sa iba’t iba pang barangay sa lungsod.

Ang naturang programa ay isa rin sa “people empowerment” projects ni Mayor Kokoy kung saan ang mga mamamayan ay hinihikayat na maging organisado at responsible sa pamamahala ng ilan sa mga pangangailangan sa kanilang komunidad, base sa maayos na sistemang ituturo at susuportahan ng Lokal na Pamahalaan.

Ang POWAS ay pamamahalaan ng mga miyembro ng komunidad na nakikinabang dito.