POWAS - Brgy. Palestina
Published: October 29, 2020 12:00 AM
Isinagawa ang pormal na inagurasyon ng Potable Water System o POWAS sa Palestina nitong umaga, October 29, gayundin ang panunumpa ng Lupon ng Katiwala na siyang mamamahala sa POWAS dito sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama ang ilang opisyal ng barangay at konsehal ng lungsod.
Sa katunayan, isang taon nang nakapagsisilbi sa 108 consumers ang POWAS sa naturang barangay.
Sa kabuuan, mayroon nang tatlumpu’t siyam (39) na POWAS sa lungsod na naglalayong makapagbigay ng malinis at sapat na supply ng tubig, lalo na sa mga liblib na lugar.
Ipinaliwanag ni J.E. Dizon ng City Health Office - Sanitation Division na sinusuri kada buwan ang kalidad ng tubig sa POWAS para mapanatali at matiyak na ligtas inumin ang tubig mula rito.
Nagpaalala naman ang Punong Lungsod na panatilihin ang maayos na pamamalakad ng POWAS at ipinabatid din niya sa mga taga-Palestina na magkakaroon pa ng dalawang POWAS doon.
Samantala, pasisinayaan naman sa susunod na linggo ang ikalawang POWAS sa Brgy. Culaylay.