News »


POWAS - Culaylay

Published: November 05, 2020 12:00 AM



Pormal na pinasinayaan ang ikalawang POWAS sa Barangay Culaylay nitong umaga, Nobyembre 5, sa pangunguna ng Punong Lungsod Kokoy Salvador. 

Kasunod nito, nanumpa ang Lupon ng Katiwala na mamamahala sa tinaguriang CULAYPOWAS. 

Higit isang taon nang napakikinabangan ng walumpu't tatlong (83) consumers ang POWAS sa nasabing barangay. Ito na ang ika-apatnapung (40) POWAS sa kabuuang lungsod na nagpapatuloy ipatupad ang layuning makapagbigay ng malinis at ligtas na suplay na tubig sa mga mamamayan.

Sa kanyang mensahe, nagpaalala ang Punong Lungsod na obligasyon ng mga namamahala at gayundin ng mga consumers na ingatan at pangalagaan ang handog na proyekto sa kanilang lugar.

Ipinaliwanag naman ni J.E. Dizon ng City Health Office – Sanitary Division na bago maghatid ng tubig ang POWAS sa mga consumers ay garantisadong dumaan muna ito sa masusing pagsusuri. 

Nagpahayag din si Ar. Quirino Delos Santos ng City Engineering Office na bukas ang kanilang opisina upang magbigay ng tulong kung mayroon mang teknikal na problemang kakaharapin ang mga mamamahala sa POWAS.

Nagbigay rin ng mensahe ang mga dumalong opisyal ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Glenda Macadangdang, gayundin ang ilang opisyal ng barangay.

Samantala, sa susunod na linggo ay pasisinayaan naman ang ikalawang powas sa Barangay Pinili.