POWAS Phase 4, Brgy. Tondod
Published: January 19, 2023 02:29 PM
Pinasinayaan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) ang Potable Water System (POWAS) Phase 4 sa Zone 2, Brgy. Tondod kaninang umaga (Enero 19).
Kasabay nito, nanumpa rin sa katungkulan ang mga mamamahala sa naturang POWAS kung saan magsisilbing tagapangulo si Jane Macugay.
Sa mensahe ni Mayor Kokoy sa programa, ipinaliwanag niya ang tungkol sa kontribusyon o singil para sa POWAS.
Aniya, ang makokolektang pera mula sa mga benepisyaryo nito ay magsisilbing pondo na gagamitin kung sakali mang magkaroon ng aberya sa nasabing proyekto gaya ng sirang makina.
Tiniyak naman ni Vice Mayor Ali ang laging pagsuporta ng SP sa mga proyekto para sa mga mamamayan.
Ito ang kauna-unahang POWAS na pinasinayaan para sa taong 2023.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 76 na POWAS ang nai-turn-over ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay.