News »


POWAS Phase 4 - Zone 7, Sto. Tomas

Published: July 20, 2023 05:09 PM



Pormal na pinasinayaan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador ang Potable Water System (POWAS) Phase 4 sa Zone 7, Brgy. Sto. Tomas kaninang umaga (Hulyo 20).

Kasabay nito, nanumpa rin sa katungkulan ang mga mamamahala sa naturang POWAS kung saan magsisilbing tagapangulo si Marte Viloria.

Ipinaliwanag naman ni Mayor Kokoy ang kinokolektang kontribusyon para sa POWAS.

Aniya, magsisilbi itong pondo ng asosasyon para sa pagmantene at pagpapagawa kung masira man ito.

Dagdag naman ni Vice Mayor Ali, mahalin at pakaingatan ang POWAS doon para magamit ito nang pangpamatagalan.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 82 POWAS na naitayo at nai-turnover ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay.