News »


POWAS Phase 5, Brgy. Kaliwanagan

Published: March 23, 2023 05:08 PM



Pinasinayaan ang Potable Water System (POWAS) Phase 5 sa Zone 1, Brgy. Kaliwanagan kaninang umaga (Marso 23) sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salavdor, kasama si Vice Mayor Ali Salvador at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP).

Kasabay nito, nanumpa rin sa katungkulan ang mga mamamahala sa naturang POWAS kung saan magsisilbing tagapangulo si Simeona Fabros.

Nagpasalamat si Mayor Kokoy sa pamilya na nag-donate ng lupa na pinagtayuan ng POWAS sa naturang lugar at ipinaliwanag niya rito ang pagkolekta ng bayad mula sa mga gumagamit ng POWAS.

Aniya, magsisilbi itong pondo ng kanilang asosasyon para sa maintenance at pagpapaayos nito kung nasira.

Kuwento pa ng Punong Lungsod, marami nang bayan ang gumaya sa proyektong POWAS ng lokal na pamahalaan dahil sa malaking ginhawang naidudulot nito sa mga mamamayan.

Kaya’t hiling ni Mayor Kokoy na mahalin at ingatan ang kanilang POWAS para mapakinabangan ito nang matagal.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 78 na POWAS na naitayo at nai-turn-over ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay.