News »


POWAS Phase III sa Kaliwanagan, pinasinayaan

Published: September 02, 2022 03:00 PM



Isang maliwanag na umaga ang bumungad sa mga residente ng Zone 2, Sitio Gomez ng Barangay Kaliwanagan makaraang pasinayaan sa unang araw ng Setyembre ang Potable Water System (POWAS) doon.

Pinangunahan ni Vice Mayor Ali Salvador ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal at pagpapasinaya sa pangatlong POWAS sa nasabing barangay, kasama si City Councilor Trixie Salvador.

Binigyang diin ni Vice Mayor Ali na importanteng alam ng bawat miyembro ang nangyayari sa pamunuan ng POWAS, kabilang na ang mga pumapasok at lumalabas na pera upang kung sakaling magkaroon ng problema ay maayos kaagad.

Magsisilbing pangulo ng pamunuan ng KaliPowas Phase III si Raymundo Lazaro na nagpahayag ng kanyang taos pusong pasasalamat sa pagsasakatuparan ng proyektong POWAS sa kanilang lugar.