POWAS - Zone 3, San Agustin
Published: October 23, 2020 12:00 AM | Updated: October 26, 2020 09:23 AM
Nagkaroon ng pormal na inawgurasyon kahapon, October 22, ang POWAS sa Brgy San Agustin Zone 3 kung saan pinangasiwaan ng Punong Lungsod Kokoy Salvador ang panunumpa ng mga opisyal ng asosasyong namamahala sa patubig.
Ito na ang ikalawang powas na binuksan sa nasabing barangay. Matapos lamang ang isang taon, nakapagbibigay na ng tubig sa 195 na kabahayan ang nasabing POWAS.
Nakapagpundar na rin ang asosasyon ng generator set na magagamit kung mawawalan ng kuryente upang masiguro ang tuloy-tuloy na supply ng tubig sa mga miyembro.
Ayon kay Mayor Kokoy, sa tuwing napapasyal siya Brgy San Agustin ay laging poso ang hiling ng mga taga-rito dahil sa hirap ng tubig. Dagdag pa niya, aabot sa apat ang magiging POWAS sa barangay.
Sa kasalukuyan, itinatayo na ang ikatlong POWAS dito.
Dumalo rin sa inawgurasyon sina Vice Mayor Glenda Macadangdang, at mga konsehal Ronald Lee Hortizuela, Trixie Salvador, Amang Munsayac, Susan Corpuz, Willie Nuñez, at Derick Dysico.
Sa kabuuan, mayroon nang 38 POWAS sa lungsod. Garantisado ng City Health Office – Santitaion Division ang pagiging ligtas at malinis ng tubig mula rito.