Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) sa Bagyong Florita, tinalakay
Published: August 23, 2022 01:00 PM
Nagsagawa ng pulong ngayong araw (Agosto 23) sa Tanggapan ng Punong Lungsod ang Executive Committee ng Local Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador tungkol sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) sa Bagyong Florita.
Tinalakay rin dito ang kahandaan sa nasabing bagyo ng mga opisina ng lokal na pamahalaan kabilang ang LDRRM Office, City Agriculture Office, Engineering Office, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Community Affairs Office, General Services Office (GSO), at City Health Office (CHO).
Tiniyak ni LDRRM Officer Amor Cabico na nakahanda ang lungsod kung sakaling maminsanla ang bagyo at mayroon nang nakahandang mga food pack para sa evacuees, habang ang CSWDO naman ay may mga nakahanda na ring bigas na ipamamahagi.
Samantala, nag-anunsiyo rin ang Punong Lungsod ngayong hapon ng pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas ng paaralaan matapos makipag-ugnayan sa Schools Division Office ng lungsod.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Signal No. 1 ang lalawigan ng Nueva Ecija batay sa huling weather update ng PAGASA.