News »


Pre-Marriage Orientation and Counseling para sa Ikakasal sa Mass Wedding

Published: February 09, 2023 05:00 PM



Sumalang sa Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) ngayong araw (Pebrero 9) ang 54 na pares na nakatakdang ikasal sa Mass Wedding na inorganisa ng lokal na pamahalaan sa darating na Araw ng mga Puso.

Nagbigay ng kanyang panimulang pagbati sa naturang aktibidad si City Population Officer Nathaniel Vergara at winelcome ang mga dumalo rito.

Kabilang sa tinalakay sa PMOC ang mga sangkap ng matiwasay na pagsasama at buhay may asawa, responsible parenthood and family planning, pati na ang malusog na pagbubuntis at pangangalaga ng bata.

Ipinaliwanag din sa mga kalahok ang batas ukol sa Violence against Women and their Children (VAWC), gayundin ang ilang batas ukol sa civil registration.

Ang Pre-Marriage Counseling ay isa sa mga kahingian para sa mga nais magpakasal.

Masasaksihan ang Kasalang Bayan sa Pebrero 14 sa City Hall Atrium.