News »


Programa para sa mga Drug Surrenderees, Nagpapatuloy

Published: September 29, 2016 12:28 PM



Para sa ganap na pagbabagong buhay ng mga sumukong illegal drug users at pushers na nangakong tatalikod na sa paggamit ng ilegal na droga, tinipon ang mga surrenderees kahapon sa Mini-Pag-asa Gym sa CHO bilang bahagi pa rin ng programang Oplan Tokhang ng PNP.

Nagbigay ng lecture si City Health OIC Dr. Marissa Bunao kung ano ang ilegal na droga, masamang epekto nito sa kanilang katawan, at mga prosesong unti-unting makatutulong sa kanilang recovery.

Maliban dito, nagkaroon din ng medical screening interview para sa mga surenderees upang masubaybayan ang kanilang kalagayan.

Kasabay rin ng nasabing aktibidad ang pagbubukas ng Bahay Pagbabago sa barangay Camanacsacan na magsisilbing lugar para sa mga programang nakalaan sa kanila gaya ng livelihood program, physical activities, at iba pa.

Ito’y para sa layuning mapaigting ang kampanya kontra droga ng PNP katuwang ang Lokal na Pamahalaan para maging drug free ang Lungsod ng San Jose.
(Jennylyn N. Cornel)