Programang Gatas Kontra Malnutrisyon, Tuloy-tuloy na sa Lungsod
Published: July 21, 2017 05:13 PM
Nilagdaan na nitong Martes (July 18) ang Memorandum of Agreement kaugnay sa programang Milk Supplementation na naglalayong makatulong upang mabawasan ang bilang ng mga batang may malnutrisyon sa lungsod.
Target ng programa ang mga Grade 1 pupils sa public schools na may mataas na bilang ng malnutrisyon, at base sa datos ng DepEd San Jose at City Nutrition Office, ang mga paaralang ito ay Calaocan, Balacat, Abar 2nd, Ciriaco at San Jose West Central School.
Kabilang sa mga lumagda ang kinatawan ng Philippine Carabao Center (PCC), DepEd San Jose sa pamamagitan ni Assistant SDS Dante Parungao at City Mayor Kokoy Salvador bilang kinatawan ng San Jose City Local Government.
Alinsunod ito sa proyektong pinamagatang “Nutrition Intervention through Milk Supplementation Program for Primary Schools in Nueva Ecija” kung saan magbibigay ang PCC ng libreng suplay ng gatas sa mga bata sa ilang bayan sa Nueva Ecija. Habang ang ibang bayan na nakapaloob din sa programang ito ay magpapainom sa mga bata sa kanilang nasasakupan sa loob ng 100 days, tanging dito lamang sa Lungsod ng San Jose aabot ng 204 days ang programa.
Ang pagpapainom ng gatas sa limang-daang bata ay gagawin ng City Cooperative Development Office mula Lunes hanggang Biyernes sa buong school year.
Layunin din ng programa na matulungan ang mga dairy farmer sa pagbebenta ng mga napo-prodyus nilang gatas ng kalabaw.
Matatandaang naumpisahan na noong June 14 ang programang ito sa lungsod.
Patuloy namang imo-monitor ng City Nutrition Office ang timbang ng mga bata.
(Ella Aiza D. Reyes)