News »


Proyektong Potable Water Supply System sa Kita-kita at Tayabo

Published: June 22, 2017 04:42 PM



Sa pagpapatuloy ng inspeksyon sa mga infrastructure projects ng lungsod, bumisita kamakailan si Mayor Kokoy Salvador kasama si City Engineering OIC Engr. Carlito Peralta Jr. sa itinayong Potable Water Supply System sa Sampugo, Brgy Kita-Kita at sa Brgy Tayabo.

Ang suplay ng tubig mula sa mga proyektong ito ay hindi na dadaan sa metro ng San Jose City Water District. Sa halip, sa tulong ng lokal na pamahalaan ay bubuo ng asosasyon ng mga benepisyaryo ng proyekto upang sila mismo ang responsableng mamahala sa distribusyon ng tubig at pagme-mentina sa tangke nito. Sa maliit na halagang makokolekta ng asosasyon manggagaling ang pambayad sa kuryenteng magpapaandar sa motor upang umakyat at maimbak ang tubig sa tangke.