Public Reminders about COVID-19 Safety Protocols
Published: July 14, 2020 12:00 AM
Maigiting ang ginagawang kampanya sa pagpapa-alala sa publiko hinggil sa City Ordinance No. 20-021, lalo na ang mga probisyon tungkol sa pangunahing safety protocols na dapat gawin ng publiko, tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, pagbabawal na lumabas sa mga wala sa tamang edad, at pagkakalat ng fake news.
Nagkabit ng tarpaulin ang Public Order and Safety Office sa iba't ibang lugar sa lungsod upang paalalahanan ang publiko.
May mobile vehicle din na umiikot at nag-aanunsiyo nito sa iba't ibang lugar gamit ang trompa.
May multang isang libong piso ang paglabag sa ordinansang ito.